DFA, pinapakilos ng isang senador para sa mga pinay na pinapadeport ng Israeli Gov’t

 

Kinalampag ngayon ni Senator Leila de Lima ang Department of Foreign Affairs o DFA para kumilos at tulungan ang halos 100 Filipina workers at kanilang mga anak na pinapadeport na ng Israeli Government.

 

Giit ni De Lima sa DFA, Ibigay ang lahat ng kailangang tulong para masigurong protektado ang karapatan ng ating mga manggagawang Filipina at kanilang mga anak.

 

Ang nabanggit na mga pinay workers, na karamihan ay mga caregivers, ay legal na pumasok sa israel pero hindi na sila pinayagang magrenew ng visa dahil sila ay nagkaanak.


 

Apela ni De Lima sa gobyerno, hanapan ng agarang solusyon ang problema dahil kabuhayan at kapakanan nila ang nakataya sa kanilang komplikadong sitwasyon.

Facebook Comments