DFA, pinatitiyak sa ating konsulada sa Japan na ligtas ang ating mga kababayan kasunod ng pagpapakawala ng missile ng NoKor kaninang umaga

Manila, Philippines – Pinatitiyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa ating konsulada sa Tokyo, Japan ang kaligtasan ng ating kababayan.

Ito ay makaraang magpakawala ng ballistic missile ang North Korea kaninang alas sinco ng madaling araw (oras sa Pilipinas).

Ayon kay DFA Secreatary Alan Peter Cayetano, saka-sakali mang kailaganin ng tulong ng ating mga kababayan ay handang magbigay ayuda ang ating Consulate General sa Osaka.


Sa datos ng DFA, mayroong 242,000 mga Filipinos ang nagtatrabaho at naninirahan sa Japan.

Nabatid na ito na ang ikalawang beses na nagpakawala ng missile ang Democratic People’s Republic of Korea sa Japanese airspace.

Ang una nito ang nangyari noong 1998.

Facebook Comments