DFA, pinawi ang pangamba ng pamilya sa Pilipinas ng mga Pinoy na tinamaan ng COVID-19 sa abroad

Pinawi ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pangamba ng kaanak sa Pilipinas ng mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19 sa abroad.

Ayon sa DFA, lumalabas sa kanilang monitoring na mas maraming mga Pinoy na tinamaan ng virus ang gumagaling sa sakit.

Bukod dito, bumababa na anila ang bilang ng mga Pinoy na namamatay sa ibayong-dagat dahil sa COVID-19.


Iniulat din ng DFA na bumababa na ang bilang ng mga Pilipino nai-infect ng nasabing virus sa iba’t ibang bansa.

Tinukoy ng DFA ang Asya na wala nang naitalang Pinoy na positibo sa COVID-19 sa nakalipas na dalawang araw.

Una nang tumaas ang bilang ng mga Pinoy na nagkasakit sa COVID-19 sa United States, Europe at Middle East.

Facebook Comments