DFA, pinayuhan ang mga biyahero na ipagpaliban ang kanilang travel plans habang mayroong travel restrictions

Muling nagpaalala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa lahat ng mga biyahero na irekonsidera ang kanilang mga travel plans kabilang ang pagpapaliban ng kanilang mga biyahe hanggang sa bawiin ang travel restrictions.

Layunin nitong maiwasan ang abala at posibleng dagdag gastos, at mapigilang makapasok sa Pilipinas ang bagong variant ng COVID-19.

Sa abiso ng DFA, ang lahat ng overseas Filipinos ay pinaaalahanan sa limited quarantine facilities kaya mas mainam na ipagpaliban muna ang pag-uwi sa Pilipinas sa loob ng travel restriction period.


Nagpaalala rin ang DFA sa mga papasok ng Pilipinas mula sa mga bansang mayroong kaso ng bagong COVID-19 variant na sumailalim sa mandatory 14-day quarantine sa mga pasilidad na inaprubahan ng Department of Health (DOH).

Mahalaga ring i-check ang travel dates ng kanilang mga airlines bago umalis o bago mag-book ng ticket dahil maaari itong magbago anumang oras dahil sa pandemya.

Ang travel restriction ay nakatakdang magtapos sa January 15, 2021.

Facebook Comments