DFA, planong humingi ng tulong sa NBI para sa paghahanap sa 4 Pinoy na nawawala sa Mandalay

Hindi pa rin nakikita ang apat na Pilipino na nawawala sa Mandalay, na pinaniniwalaang kasama sa mga na-trap sa gumuhong sky villa dahil sa magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar noong Biyernes.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa Embahada ng Pilipinas sa Myanmar.

Base sa huling ulat ng embahada ay patuloy silang nakikipag-coordinate sa mga awtoridad na humahawak sa search, rescue and retrieval operations sa gumuhong sky villa.


Tanging mga katawan na walang buhay at walang pagkakakilanlan ang mga na-recover sa gumuhong gusali at dahil sa kakulangan ng cold storage sa Myanmar.

Ang ilan sa mga na-recover na katawan ay agad na sinusunog o dinadala na sa cremation.

Iminumungkahi ng DFA na hingin ang tulong ng mga eksperto mula National Bureau of Investigation (NBI) forensic team upang magtungo sa Mandalay para mas mapadali ang paghahanap o pag-identify sa apat na Pilipino na nawawala at patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

Facebook Comments