Ginagawa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat upang maasikaso nito ang tambak na passport application backlogs bunsod ng COVID-19 pandemic.
Ipinaliwanag ni DFA Undersecretary Brigido Dulay sa Laging Handa press briefing na kakaunting bilang lang ng passport applications ang na-accommodate ng ahensya bunsod ng physical restrictions.
Nagpatupad naman ang DFA ng iba’t ibang programa upang mapalaki ang bilang ng aplikasyon na kanilang maipo-proseso kabilang na rito ang pagbubukas ng karagdagang temporary off-site passport service facilities.
Sa kabila ng pandemyang iniinda ng bansa ay nakapagproseso ang ahensya ng 1.7 milyong pasaporte.
Dagdag pa ni Dulay, balak nilang magbukas ng karagdagang appointment slots sa mga natitirang buwan ng taong 2021.