Sumaklolo na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipinong naapektuhan ng crackdown operation sa ilang iligal na kompanya sa Laos.
Partikular ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa illegal companies sa Golden Triangle Special Economic Zone (GTSEZ) sa Bokeo Province.
Nakikipag-ugnayan na rin ang Philippine Embassy sa Vientiane, sa Laos authorities para sa pagpapalaya sa mga hinuling Pinoy.
Ayon sa DFA, 129 na mga Pilipino sa Laos ang nagpasaklolo sa kanila.
Patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng DFA sa mga otoridad sa Laos para sa seguridad ng iba pang mga Pilipino sa economic zone.
Facebook Comments