DFA Sec. Locsin, hindi pabor na magkaroon ng PCG attaché sa Beijing

Hindi tinanggap ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. ang ideyang magkaroon ng Philippine Coast Guard (PCG) attaché sa Beijing Embassy sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippines Sea.

Ayon kay Locsin, ang PCG ay mayroong defense attaché para sa mga isyung may kinalaman sa national defense.

“A separate Coast Guard attaché means we concede exclusive sovereignty over our coastal waters so they are now subject to discussion instead of automatic protest,” sabi ni Locsin sa kaniyang tweet.


Nabatid na naghain ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa China dahil sa pagraradyo sa Philippine aircraft na nagsasagawa ng legitimate regular maritime patrols sa West Philippines Sea.

Sinupalpal din ng DFA ang China dahil sa ilegal na pagkukumpiska ng Chinese Coast Guard sa fish aggravating devices ng mga Pilipinong mangingisda.

Facebook Comments