Humingi ng patawad si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa United Kingdom kasunod ng pagkamatay ng isang British National na umano’y tinanggihan ng isang ospital sa Cebu Province sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ang nasabing dayuhan ay kinilala sa pangalang “Barry” na binawian ng buhay dahil sa cardiac arrest.
Ayon kay Locsin, hindi tinanggap ang pasyente ng isang ospital sa Mandaue City at pinayuhang lumipat sa ibang ospital sa Cebu City.
Walong oras din umano ang hinintay ng pasyente bago dumating ang ambulansya.
Nabatid na inilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Cebu City sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) bunsod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Facebook Comments