DFA Sec. Locsin, kinampihan ng Palasyo

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ng Malacañang si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa harap ng pambabatikos sa kanya matapos na tawaging ‘boba’ si Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo – nag-sorry naman na ang kalihim.

Wala naman aniyang masama sa makulay na pananalita ni Locsin na ikinumpara pa nito kina Pangulong Rodrigo Duterte at late senator Miriam Defensor.


Naniniwala din si Panelo na fit pa rin si Locsin bilang kalihim ng DFA.

Hindi na rin aniya kailangan pang pangaralan si Locsin dahil siya na mismo ang nagtama sa kanyang sarili.

Facebook Comments