DFA Sec. Locsin, kinumpirma na magpapadala ang China ng 100,000 COVID testing kits sa Pilipinas

28334

Inanunsyo ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na kinumpirma sa kanya ni Chinese Foreign Minister Wang Yi at China Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang ipapadala ng China sa Pilipinas na 100,00 testing kits (with primers) para sa COVID-19.

Bukod pa dito ang 10,000 na piraso ng N95 masks, 10,000 Personal Protective Equipments (PPE) at 100,000 surgical masks.


Ayon kay Sec. Locsin, naipa-abot na rin niya kay Health Secretary Francisco Duque III ang ipapadala g mga donasyon ng China.

Nakatakda rin aniya siyang makipag-ugnayan sa Bureau of Customs para sa mabilis na pag-release ng naturang medical donations ng China.

Facebook Comments