DFA Sec. Locsin, magtutungo sa border ng Ukraine para tiyakin ang kaligtasan ng mga Pinoy

Magtutungo si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. sa border ng Ukraine para matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino kasunod ng ginawang paglusob doon ng Russia.

Kasama niyang magtutungo roon sina DFA Assistant Secretary Jet Leda at kanyang protocol officer na si George Pineda.

Sa kanyang tweet kaninang umaga, pinasalamatan din ng kalihim ang Poland sa pagpapatuloy sa mga Pilipinong lumikas sa Ukraine kahit na walang visa.


Sa ngayon, anim na Pilipino na ang na-repatriate ng DFA mula sa Ukraine.

Handa rin silang tulungan ang iba pang mga Pinoy na magnanais namang umuwi sa Pilipinas.

Nagpaalala naman ang DFA sa mga Pinoy sa Ukraine na huwag mag-panic, mag-ingat at ituloy lang ang komunikasyon sa Embahada ng Pilipinas sa Lviv.

Facebook Comments