DFA Sec. Locsin, nagpasalamat sa Canada sa pagtanggap sa Filipino migrants

Kinilala ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ang pagtanggap ng Canada sa mga Pilipino na nag-migrate roon.

Sinabi ni Sec. Locsin na ikinalulugod din niyang malaman ang katapangan, dedikasyon at professionalism ng mga Pilipino ngayong panahon ng pandemya na ang marami ay nasa frontline lalo na sa sektor ng kalusugan.

Labis aniyang pinahahalagahan ng Pilipinas ang relasyon nito sa Canada.


Sa katunayan aniya, nakatuon ang Pilipinas sa lalo pang pagpapalakas sa relasyon at sa kapakanan ng mamamayan ng dalawang bansa.

Facebook Comments