Naniniwala ang Dept. of Foreign Affairs (DFA) na may karapatan ang Estados Unidos na hindi tanggapin ang Visa ng sinuman, tulad ng ginawa ng Pilipinas sa pag-deport sa australian nun na si patricia fox noong nakaraang taon.
Ito ang pahayag ng DFA sa pag-apruba sa probisyon sa 2020 US Budget kung saan hindi papapasukin sa kanilang bansa ang mga opisyal ng Pilipinas na sangkot sa pagpapakulong kay Sen. Leila De Lima
Sa Tweet ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., maituturing itong aspeto ng soberenya.
Sa isa pang Tweet, sinabi ni Locsin na hindi dapat i-‘waive’ ng Pilipinas ang soberenya nito.
Bago ito, binanggit ni De Lima ang inisyal na listahan ng mga personalidad na sinasabing dawit sa kanyang ilegal na pagkaka-aresto.
Kabilang dito sina Pangulong Rodrigo Duterte, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Vloggers na sina Mocha Uson, Sass Rogando Sasot, at RJ Nieto.
Kasama rin sina dating House Speaker Pantaleon Alvarez, dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, Solicitor General Jose Calida, PAO Chief Persida Acosta, Sandra Cam, PACC Chairperson Dante Jimenez, Cong. Rey Umali at Cong. Rudy Fariñas.