DFA Sec. Locsin, “no mercy” sa mga Pilipinong drug dealer na convicted sa Middle East

Hindi susuportahan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. ang sinumang Pilipinong drug dealers sa Middle East na hihirit ng pardon kung napatunayang nagkasala sila.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Locsin na inatasan niya ang mga ambassador na huwag isama ang drug dealers mula sa prisoner exchanges.

Hinahayaan na ni Locsin ang batas ng ibang bansa na panagutin ang mga ito.


Dagdag pa ng kalihim, “Sorry. No Mercy.”

Naniniwala si Locsin na ang aktibidad ng Pinoy drug dealers abroad ay konektado sa drug trade sa Pilipinas.

Sa maraming bansang katulad ng Middle East, Indonesia at China, parusang kamatayan ang sinasapit ng mga napapatunayang nagpupuslit ng maramihang ilegal na droga.

Facebook Comments