Binatikos ni Foreign Affairs Secretary Ma. Teresa Lazaro ang China sa selebrasyon ng ika-9 anibersaryo ng Arbitral victory.

Partikular ang usapin sa West Philippine Sea (WPS), South China Sea at ang malawak na bahagi ng Indo-Pacific.

Sinabi ni Secretary Lazaro na siyam na taon nang naibaba ang nasabing resolusyon pero hanggang ngayon ay patuloy pa ring binabalewala ng China ang Arbitral Award.

Tinukoy ni Lazaro ang mga iligal, mapangahas at agresibong mga hakbang ng China sa mga karagatang sakop ng Pilipinas.

Iginiit din ni Lazaro na ang Arbitral award ay nagsisilbing lighthouse na gumagabay sa maritime matters at concerns sa rehiyon.

Ito rin aniya ang nagpapaalala sa mga bansa na ano mang laki o kapasidad nito ay dapat sumunod sa mga obligasyon sa ilalim ng 1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Facebook Comments