Wednesday, February 4, 2026

DFA Sec. Ma. Theresa Lazaro at Japanese Ambassador, lumagda para sa panibagong loan ng Pilipinas

FILE PHOTO

Lumagda sina Foreign Affairs Sec. Ma. Theresa Lazaro at Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya sa diplomatic notes.

May kaugnayan ito sa ikalawang supplemental loan ng Pilipinas para sa MRT-3 rehabilitation.

Ang naturang loan ay nagkakahalaga ng P8.175 Billion, kabilang sa nakapaloob sa proyekto ang pagbabalik sa MRT sa orihinal nitong disenyo.

Layon din nito na matiyak ang high-grade infrastructure performance at ang nakatakdang expansion sa MRT 3.

Facebook Comments