Nagpasalamat si Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teodoro Locsin Jr. kay Vice President Leni Robredo.
Ito’y matapos makipagpulong ang Bise Presidente sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC).
Ayon sa kalihim, matagal na niyang gustong makipag-ugnayan sa tanggapan.
Mapapagkatiwalaan din dahin Russian ang pinuno nito.
Kasabay nito, binanatan naman ni Locsin si Human Rights Watch Deputy Director Phelim Kine matapos sabihing handa siyang pumunta sa Pilipinas para magbigay ng payo kay Robredo kung paano wawakasan ang aniya’y murderous drug war.
Ang unang rekomendasyon ni Kine ay arestuhin ang Pangulo.
Tugon ni Locsin, hindi niya papapasukin ng Pilipinas si Kine.
Facebook Comments