DFA Sec. Teodoro Locsin Jr., isinisisi sa istorya ni “Adan at Eba” kung bakit nagmamatigas ang China sa West PH Sea

Nagtataka si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa paraan ng pagsagot ng China sa mga protestang inihain ng Pilipinas dahil sa pag-aangkla nito sa higit 200 Chinese vessels sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.

Sa kanyang tweet, iginiit ni Locsin na hindi nangangahulugang legal na pagmamay-ari mo na ang isang lugar o karagatan kapag binigyan mo na ito ng pangalan.

Mahahalintulad aniya ang ginagawa ng China ito sa biblical story ni Adan at Eba – kung saan sila ang nagbibigay ng pangalan sa mga bagay na nilikha ng Diyos.


Ang DFA ay naghain na ng diplomatic protest laban sa China at pinaalis ang lahat ng mga barkong nananatili sa nasabing bahura.

Nanawagan din ang DFA sa China na kilalanin ang obligasyon nito sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at igalang ang desisyon ng The Hague Tribunal na nagbabasura sa kanilang nine-dash line claims sa South China Sea.

Facebook Comments