Humingi ng sorry si Dept. of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teodoro Locsin JR. sa China.
Ito’y kasunod ng kanyang mga tweet tungkol kay Mao Zedong.
Sa twitter post, nag-sorry ang kalihim sa Beijing at kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua dahil nagamit ng walang kabuluhan ang pangalan ng Founding Father ng China.
Sinabi niyang tagapagtanggol siya ng ‘Red China’ pero nakalimutan niya ang paghanga rito.
Matatandaan sa tweet ni Locsin noong Sept. 30, tinawag niyang ‘Mao Che Tutung’ ang Chinese Revolutionary.
Sa kanyang October 11 tweet naman, sinabi ni Locsin na ang punto ng Komunismo ay maging sakim sa kapangyarihan at ipalaganap ang matinding gutom gaya ng ginawa ni Mao.
Facebook Comments