DFA Sec. Teodoro Locsin Jr., pumalag sa deployment ban sa mga health workers

“Wrong, dead wrong, and violating the Constitution.”

Ito ang tugon ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. matapos ang temporary deployment ban ng Filipino workers abroad.

Sa Twitter post ni Locsin, hinarang ang mga Filipino national health services nurses sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na makabalik sa kanilang kontrata sa bansang United Kingdom.


Aniya, nilabag nito ang, “Right to travel, inviolability of contracts at punitive ex-post facto resolution” na nasa loob ng Konstitusyon.

Sinabi pa ng Kalihim, ‘powerless to help’ si Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente.

Matatandaang, nagpasa ng resolusyon ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nagsususpinde sa deployment ng health workers hanggang maalis ang national state of emergency sa bansa at ang COVID-19 related travel restrictions sa mga destinasyon.

Facebook Comments