DFA Sec. Teodoro Locsin Jr., tutol sa pagbebenta ng government properties abroad

Mariing tinututulan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pagbebenta ng government properties abroad.

Ito ang pahayag ng kalihim sa gitna ng mga espekulasyon na mayroong ilang grupo ang nagtutulak na ibenta ang government overseas assets para mapondohan ang kampanya kontra COVID-19 pandemic.

Sa kaniyang Twitter post, sinabi ni Locsin na kontra ang kagawaran sa pagbebenta ng properties nito sa ibang bansa, lalo na sa key capitals.


Dagdag pa ni Locsin, tinanggihan din nila ang lahat ng proposal para sa acquisition ng properties abroad.

Bukod dito, ni-realign na nila ang kanilang budget na nagkakahalaga ng isang bilyong piso na orihinal na nakalaan para sa retrofitting ng Department of Affairs (DFA) building ara tumulong sa COVID-19 response ng pamahalaan.

Facebook Comments