Dadalo si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Foreign Ministers Meeting sa Cambodia sa susunod na linggo.
Dito ay inaasahang igigiit ni Manalo ang arbitral ruling sa pinag-aagawang West Philippine Sea at ang posisyon ng Pilipinas laban sa mga execution na nagaganap sa Myanmar.
Matatandaang binanggit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaniyang unang State of the Nation Address (SONA) na hindi nito aabondanahin ang teritoryo na sakop ng bansa habang nanatili itong kaibigan sa lahat.
Sa ngayon kasi ay patuloy pa rin ang maritime dispute sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay sa agresibong pag-aangkin ng Tsina sa South China Sea kahit ito ay ipinawalang bisa ng 2016 landmark ruling.
Maliban sa Tsina ay may kanya-kanya ring inaangkin na bahagi ng naturang katubigan ang Brunei, Malaysia, Vietnam at Taiwan.