Bibisita sa Mongolia at South Korea si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ngayong August 4-6.
Bahagi ito ng imbitasyon ni Mongolian Foreign Minister Battsetseg Batmunkh kasabay ng selebrasyon ng fiftieth anniversary ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Mongolia.
Pag-uusapan din ng dalawang opisyal ang hinggil sa kooperasyon ng Pilipinas at Mongolia.
Sa August 6-9 naman , tutungo si Secretary Manalo sa Republic of Korea para makipagpulong kay Foreign Minister Cho Tae-yul.
Magkakaroon din sila ng bilateral meeting kung saan tatalakayin nila ang areas of mutual concern tulad ng political, defense, security, economic at development cooperation.
Magpapalitan din ang dalawang opisyal ng pananaw hinggil sa regional cooperation at international issues, gayundin ang hinggil sa pagpapa-angat pa ng relasyon ng Pilipinas at South Korea.