DFA Secretary Locsin, ibinunyag na bigong nakuha ang donasyong 50 million syringes ng Amerika

“We dropped the ball again.”

Ito ang ibinunyag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. kaugnay sa alok na 50 milyong syringes o hiringgilya ng Amerika na bigong nakuha ng bansa.

Ayon kay Locsin, handa nang pag-usapan ng Amerika ang detalye sa naturang hiringgilya ngunit tumanggi ang gobyerno na pag-usapan ito.


Matatandaang ibinaba ng gobyerno sa 9 million mula sa 15 million ang target nitong maiturok na bakuna sa isinagawang 3-day National Vaccination Drive dahil sa global shortage ng syringe.

Inihayag din ni Locsin na may pattern siyang nakikita sa mga nangyaring kapalpakan ng pamahalaan.

Decmeber ng nakaraang taon nang inihayag ni Locsin na isang opisyal sa gobyerno ang bigong maka-secure ng 10 million doses ng Pfizer COVID-19 vaccine kung kalian hirap ang bansa na makakuha ng bakuna.

Facebook Comments