Pinasalamatan ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. ang Vietnam sa pagsagip sa 22 Pilipinong mangingisdang inabandona ng Chinese ship sa Recto Bank nitong Hunyo.
Ito ay kasabay ng courtesy call ni Locsin kay Vietnamese Prime Minister Pham Binh Minh.
Base sa report ng Saigon Times, sinabi ng kapitan ng Vietnamese boat na nakita nila na ang mga Pilipinong mangingisda ng lumubog na F/B Gem-Ver 1 na palutang-lutang sa dagat.
Akala nila noong una na mga pirata ang mga Pilipinong mangingisda.
Pero sinagip nila ang mga ito at tinulungan makauwi.
Ang pulong sa pagitan ni Locsin at Vietnam counterpart nito ay sinundan ng bilateral initiatives na nakadetalye sa Philippines-Vietnam Plan of Action 2019-2024.
Facebook Comments