DFA, suportado ang apela sa Hong Kong government na isama ang non-resident workers sa COVID-19 vaccination

Naniniwala si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na maituturing na diskriminasyon ang plano ng Hong Kong government na bakunahan ang mga foreign domestic workers laban sa COVID-19, subalit may maiiwanan naman na ibang lahi.

Ayon kay Secretary Locsin, dapat tiyakin ng Hong Kong government na lahat ay maisasama sa bakuna anuman ang trabaho at nationality.

Sinuportahan ng kalihim ang apela ni Consul General Raly Tejada na huwag pabayaan sa mandatory vaccination ang iba pang non-resident workers.


Inihalimbawa ng mga opisyal ang Middle East na walang diskriminasyon sa implementasyon ng vaccine rollout, Arab citizens man o hindi.

Facebook Comments