DFA team na tutulong sa repatriation ng stranded OFWs sa Wuhan City, nakarating na sa nCoV ground zero

Nakapasok na sa ground zero ng Novel Coronavirus (nCoV) outbreak sa Wuhan, China ang on-site repatriation team ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Agad na namahagi ang mga tauhan ng DFA relief goods sa mga Pilipino doon na stranded dahil sa nCoV outbreak.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay ,inihahanda na rin ng DFA team ang repatriation sa mga Pinoy sa Wuhan City.


Nagrenta ng sasakyan ang team para mapuntahan sa kanilang tahanan ang stranded OFWs doon.

Kabuuang 56 na Pinoy ang nagpa-abot ng pagnanais na makasama sa repatriation flight.

Facebook Comments