DFA, tila hindi nagustuhan ang sanction ng China laban kay dating Senador Francis Tolentino sa isyu ng WPS

Tila hindi nagustuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-sanction ng China kay dating Senator Francis Tolentino.

Partikular ang pagbabawal ng China na papasukin sa Mainland China, Hong Kong at Macau si Tolentino.

Bunga ito ng mga pahayag at mga hakbang ni Tolentino laban sa China sa isyu ng West Philippine Sea.

Sa statement ng DFA, inihayag nito na ang naturang pagpapataw ng Tsina ng parusa laban kay Tolentino ay taliwas sa mutual efforts at pagpapanumbalik ng mutual trust at sa pag-improve ng bilateral relations sa pagitan ng dalawang bansa.

Samantala, inirerespeto ng DFA ang ligalidad ng prerogative ng Tsina na magpatupad ng mga hakbang laban sa isang Filipino national.

Facebook Comments