Nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga otoridad sa Singapore para agad na maiuwi ang labi ng dalawang Pilipinong namatay kahapon matapos araruhin ng isang kotse ang Lucky Plaza kung saan maraming mga Pinoy ang nagtitipon-tipon.
Apat din na iba pang ofws ang nasugatan sa aksidente.
Kinumpirma naman ng DFA na dalawa sa apat na nasugatang ofws ay nasa ligtas nang kalagayan habang ang dalawang iba pa ay patuloy na ginagamot sa ospital.
Tiniyak din ng DFA na masusing tinututukan ng Philippine Embassy sa Singapore ang dalawa pang naka-confine na Pinoy.
Nagpa-abot din ng pakikiramay ang DFA sa pamilya ng dalawang nasawing OFWs.
Facebook Comments