DFA, tiniyak ang financial support sa anak ng isa sa dalawang OFWs na namatay sa aksidente sa Singapore

Matapos na maiuwi na rin sa bansa kanina ang labi ng isa pang Pinoy na namatay sa pag-araro ng kotse sa Lucky Plaza sa Singapore,tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang financial assistance sa naulilang mga anak ni Abigail Danao Leste.

Ang dalawang anak ni Leste na sina Jackelyn at Jhef ay kabilang sa sumundo sa airport sa labi ng kanilang ina.

Ang labi ng nasabing OFW ay agad na inuwi sa kanilang probinsya sa Tuguegarao, Cagayan.


Noong January 1 ng gabi, naiuwi rin sa bansa ang labi ng isa pang namatay sa aksidente na si Arlyn Nocus.

Apat din na iba pang mga OFWs ang nasutagan sa insidente noong December 29,2019

Facebook Comments