Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magkakaroon ng hustisya ang pagkamatay ng Pinay Overseas Filipino Worker (OFW) sa United Arab Emirates na si Mary Anne Daynolo.
Si Daynolo ay naiulat na “missing” noong Marso, 2020, nakita ang kaniyang bangkay noong isang linggo.
Ayon kay Locsin, hindi sila titigil sa pag-iimbestiga hanggang sa mahuli ang dalawa pang kasamahan ng Ugandan national na may kagagawan sa krimen.
Katuwang ng DFA sa imbestigasyon ang Department of Labor and Employment (DOLE).
Samantala sa ngayon, isang resolusyon ang inihain ni Senator Risa Hontiveros na naglalayong mapigilan ang illegal trafficking ng mga Pilipina sa Middle East.
Isa kasi aniya ito sa dahilan kung bakit nalalagay sa kapahamakan ang ating mga kababayan.