DFA, tiniyak ang patas na imbestigasyon sa kabila ng pagsuporta ng ilang grupo at mga dating diplomats kay dating Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magiging patas ang isasagawang imbestigasyon laban kay dating Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro na nahaharap sa isyung pangmamaltrato ng kanyang kasambahay.

Ito ang paninindigan ng DFA matapos na magpahayag ng suporta kay Mauro ang grupo ng ‘DFA- Career Officers Corps’ at ‘retired ambassadors association’ na umano’y binuo ng mga dating diplomats ng bansa.

Mariin itong pinabulaanan ng DFA, at sinabing wala silang alam sa nasabing grupo, at binigyang diin nto na anuman ang sabihin ng grupo ay hindi kumakatawan sa kabuuang pananaw ng kagawaran.


Dagdag pa ng DFA, gugulong ang imbestigasyon sa ngalan ng batas sa bansa, at magiging patas sa nasabing isyu.

Una nang nag-trend ang CCTV footage na makikitang makailang ulit na minamaltrato ni Mauro ang kanyang Pinay helper sa loob mismo ng kanyang diplomatic residence sa Brazil.

Kahapon ay kinumpirma ng DFA na nakabalik na ng bansa si Mauro para sa isasagawang imbestigasyon laban sa kanya kasunod na rin ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments