DFA, tiniyak na binabantayan ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Israel sa gitna ng nangyayaring tensyon doon

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mahigpit nitong binabantayan ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Israel sa gitna ng nangyayaring tensyon doon.

Ayon sa DFA, nakikipag-ugnayan na sila sa mga embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv at Amman kaugnay sa sitwasyon at seguridad ng mga Pilipinong naninirahan sa Israel, the Gaza Strip, at West Bank.

Nabatid na pinagbawalang magtungo ang mga Pilipino sa West Bank at ilang lugar sa Jerusalem hanggang Mayo 3.


Pinayuhan din ang mga ito na huwag na munang mamasyal sa Temple Mount, Damascus Gate, Herod’s Gate, Al Wad Road, Musrara Road, at sa paligid ng East Jerusalem gayundin sa Golan Heights at mga lugar na malapit sa Lebanon at Gaza dahil sa tumataas na tensyon sa mga naturang lugar.

Facebook Comments