DFA, tiniyak na binubusisi nang maayos ang mga Chinese na nag-a-apply ng visa patungong Pilipinas

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na binubusisi nang maayos ng DFA ang mga Chinese na nag-a-apply ng visa para pumasok sa Pilipinas.

Partikular ang mga Chinese na nag-a-apply ng travel visa sa mga konsulada ng Pilipinas.

Aminado ang DFA na may ilang Chinese ang kaduda-duda ang pakay sa planong pagpasok ng Pilipinas.


Ang hakbang ng DFA ay sa harap ng sunud-sunod na pagkakahuli at pagkaka-rescue sa Chinese nationals na iligal na nagtatrabaho sa POGO companies sa bansa.

Facebook Comments