DFA, tiniyak na COVID-19 free ang mga umuwing OFWs mula Italy

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na cleared sa COVID-19 ang 82 Filipinos na dumating kahapon mula Italy.

Ang naturang OFWs ay pawang seafarers na mula sa dalawang barkong nakadaong sa Rome at Milan.

Tiniyak naman ng DFA na ang barkong pinagtrabahuhan ng naturang Pinoy seafarers ay idineklarang COVID-19 free ng health authorities doon.


Pagdating naman sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sila ay dumaan sa health assessment ng Bureau of Quarantine bago dumiretso sa quarantine facility ng gobyerno ng Pilipinas.

Facebook Comments