Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na gagawan nila ng ligal na hakbang para makaiwas sa death penalty ang dalawang Pilipinong inaresto sa Japan matapos na masangkot sa pagpatay sa mag-asawang Hapones.
Gayunman, nilinaw ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na depende pa rin ito sa resulta ng paglilitis sa kaso ng korte.
Sinabi ni De Vega na medyo matagal ang proseso ng paglilitis ng korte sa Japan dahil maingat aniya ang mga hukom doon sa paggawa ng desisyon.
Ayon kay De Vega, posibleng bago matapos ang buwang kasalukuyan ay magkaroon na ng linaw kung ano talaga ang magiging kaso ng Pinay at Pinoy.
Sa ngayon, nananatili aniya ang anggulong may kinalaman sa pera ang krimen.
Facebook Comments