
Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakahanda ang kanilang Foreign Service Posts sakaling tumaas ang demand sa aplikasyon ng visa para sa mga turistang bibisita ng Pilipinas.
Sa harap ito ng pagtulong ng mga Embahada at Konsulada ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa para makahikayat ng mga turista.
Ayon sa DFA, sa ngayon ay natutugunan naman ng Foreign Service Posts ng Pilipinas ang kasalukuyang demand sa visa.
Tiniyak din ng DFA na lahat ng mga lehitimong turista ay mabibigyan ng visa para makapasok sa Pilipinas.
Facebook Comments









