DFA, tiniyak na hindi makakaapekto sa relasyon ng Pilipinas at Thailand ang pagkakasangkot ng Pinoy transgenders sa kaguluhan doon

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi makakaapekto sa alyansa ng Pilipinas at Thailand ang pagkakasangkot sa bugbugan sa nasabing bansa ng ilang Pinoy transgenders.

Ayon sa DFA, ito ay lalo na’t isolated lang naman ang nasabing insidente.

Pinasalamatan naman ng Philippine Embassy sa Bangkok ang Royal Thai Police sa mabilis na pagpapalabas ng resolusyon sa kaso ng Pinoy transgenders.


Kinumpirma naman ng Embahada na sila ang nagbayad ng multa sa mga Pinoy na nasangkot sa gulo sa Thailand.

Una nang dumating sa Pilipinas noong Biyernes ang ilang Pinoy transgender na unang naaresto sa nasabing bansa.

Facebook Comments