Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na iimbestigahan nito ang anila’y illegal at unlawful activities ng diplomatic officials sa bansa.
Kasunod ito ng hamon ni Defense Secretary Gilbert Teodoro sa DFA na imbestigahan ang sinasabing telephone recording sa pagitan ng Chinese Diplomat at ng Western Command Chief na aniya’y paglabag sa batas ng Pilipinas.
Tiniyak din ng DFA ang kanilang kaukulang aksyon hinggil dito alinsunod sa umiiral na batas at regulasyon ng Pilipinas.
Sa kabilang dako, tiniyak ng departamento ang kanilang pagtalima sa local at international law.
Tiniyak din ng DFA ang pagiging consistent ng Pilipinas sa pagtalima sa International Law tulad ng United Nations Charter, ang Vienna Conventions sa inter-state relations, at ang maritime domain ng 1982 UNCLOS, at iba pa.