DFA, tiniyak na ligtas ang mga Pinoy sa Lebanon sa kabila ng tumitinding kaguluhan doon

Tiniyak ni Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na walang Pilipinong nasawi o nasaktan sa tumitinding kaguluhan sa Lebanon.

Nilinaw ni De Vega na ang kaguluhan sa Lebanon ay limitado lamang sa border kung saan ginagawa ng Lebanese militant group Hezbollah ang mga aktibidad.

Ayon pa kay De Vega, bagama’t nananawagan ang gobyerno ng agarang paglilikas ng mga Pinoy roon, hindi aniya nangangahulugan na apektado ng giyera ang buong Lebanon.


Aniya, ang pinangangambahan lamang ng pamahalaan ay ang posibleng paglawak pa ng giyera.

Sa ngayon aniya, wala namang Pilipinong naninirahan sa mga lugar na apektado ng kaguluhan.

Facebook Comments