DFA tiniyak na magkakaroon ng permanent solution sa lumalaking passport demand

Manila, Philippines – Magtatayo ng mga karagdagang consular offices sa buong bansa ang Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, isa ito sa nakikita nilang permanent at long term solution para tugunan lumalaking passport demand.

Kahapon, 2 mega vans ang dinala ng ahensya sa SM Seaside City sa Cebu bilang bahagi ng Passport on Wheels mobile outreach service.


Dahil dito, halos 2,000 aplikante ang kayang pagsilbihan bawat araw ng dalawang ‘Passport on Wheels’ mega van ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Cebu City.

Ayon sa ahensya ang Passport on Wheels program ay dinisenyo upang maresolba ang dumadaming bilang ng mga gustong makakuha o makapag-renew ng pasaporte.

Ang mga mega vans ay mga heavy duty na mga sasakyan na dinisenyo upang maabot ang malalayo at bulubunduking munisipyo.

Facebook Comments