Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maiuuwi pa ang karagdagan pang 575 Pilipino mula Sudan.
Matatandaan kasi na nakauwi na sa Pilipinas ang ikatlong batch ng 15 Pilipino na inilikas mula sa kaguluhan sa Sudan kagabi lamang.
Una ng inilikas ang mga Pilipino mula sa pantalan ng Sudan tumawid ng Red Sea at dinala sa Jeddah, Saudi Arabia.
Ayon sa DFA, sa datos nitong Mayo 1 nasa 32 katao ang na-repatriate na habang nasa 616 ang inilikas mula sa Khartoum, ang kabisera ng Sudan na sentro ng labanan.
Dagdag pa ng ahensiya na nasa 100 Pilipino pa ang hindi pa tulluyang nakakapasok ng Egypt at nagaantay ng kanilang stamp para sa kanilang travel documents.
Una ng nagpatupad ng paghihigpit ang mga awtoridad sa Egypt sa kanilang borders kasunod ng pagdagsa ng mga repatriate mula sa Sudan.