DFA, tiniyak na nakatutok ang pamahalaan ng Pilipinas sa tensyon sa Bangladesh

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakatutok ang Philippine government sa sitwasyon sa Bangladesh.

Nanawagan din ang Pilipinas ng mapayapang transition ng kapangyarihan sa People’s Republic of Bangladesh, matapos ang pagbitiw sa tungkulin ni Bangladeshi Prime Minister Sheikh Hasina nitong August 5, 2024.

Una nang nagdeklara ang Pilipinas ng Alert Level 1 sa Bangladesh nitong August 2.


Sa ilalim ng Alert Level 1, ang mga Pilipino roon ay pinapayuhang manatili sa loob ng bahay hanggat maaari at i- monitor ang sitwasyon sa panahon ng transition.

Tiniyak din ng Philippine Embassy sa Dhaka na nakahanda ang pamahalaan na tulungan ang mga Pinoy na maaaring maapektuhan ng tensyon sa Bangladesh.

Sa kabila nito, tiniyak ng pamahalaan ng Pilipinas na kaisa ito ng mamamayan ng Bangladesh sa pagsusulong sa kapayapaan sa nasabing bansa.

Facebook Comments