DFA , tiniyak na nakatutok sa kaso ng mga Pinoy na nasangkot sa kaguluhan sa Thailand

Tinututukan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kaso ng mga Pilipinong nasangkot sa kaguluhan sa Thailand kamakailan.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, inaasikaso na ng Philippine Embassy sa Bangkok ang lahat ng pangangailangan ng nasangkot na Pinoy.

Kabilang aniya rito ang legal assistance na ipagkakaloob ng DFA sa mga Pinoy.


Kaugnay nito, muling nagpaalala ang DFA sa mga Pilipino sa Thailand maging sa OFWs na nasa ibang mga bansa na maging maingat at palaging sumunod sa batas ng bansa na kanilang pinagtatrabahuan.

Nabatid na 20 Filipino transgender women at 4 na Thai counterparts ang nasangkot sa nasabing gulo.

Facebook Comments