Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na papatawan nila ng mabigat na parusa si Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro.
Kaugnay ito sa nag-viral na video kung saan nakitang minamaltrato ni Mauro ang kaniyang 51-anyos na kasambahay.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., magsasampa sila ng kasong kriminal o administratibo laban kay Mauro sakaling mapagtibay ang ebidensiya.
Nabatid na unang lumabas ang CCTV footage sa isang Brazilian news outfit at agad na nag-viral sa social media.
Samantala, sa ngayon ay nakauwi na ang kasambahay at nangako ang non-profit organization na Blas Ople Policy Center na bibigyan nila ng tulong ng legal at pinansiyal ang nasabing kasambahay.
Facebook Comments