DFA, tiniyak na walang kondisyon ang tulong na ibibigay sa kasambahay na minaltrato ni Ambassador Mauro

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang kondisyon ang ibinigay na tulong sa kasambahay na nakita sa CCTV na minaltrato ni Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na trabaho nila na tumulong at wala itong kaakibat na kapalit.

Dagdag pa ni Locsin, pinadalhan na ng show cause order si Mauro para siya ay mabigyan ng pagkakataong magpaliwanag ukol sa lumabas na video na paulit-ulit niyang sinaktan ang kaniyang kasambahay.


Pagtitiyak ni Locsin, ipapataw nila ang kaukulang parusa kay Mauro batay sa magiging resulta ng imbestigasyon

Una nang sinabi ng kalihim na bumuo na sila ng fact-finding team na mag-iimbestiga sa insidente.

Facebook Comments