Somalia – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na walang Filipino ang nakasama sa casualties sa nangyaring pag-atake sa Mogadishu.
Sa ulat ni Ambassador Norman Garibay, wala silang naitalang nasawi o nasugatan sa nabanggit na terrorist bomb attack sa Somalia nuong Sabado.
Sa pinakahuling datos umaabot na sa mahigit 300 ang nasugatan at mahigit 300 din ang nasawi kasunod ng panibagong pag-atake sa Somalia na tinaguriang “deadliest terrorist attack in Sub-Saharan Africa.”
Kasunod nito nagpaabot na ng simpatya at pakikiramay ang Pilipinas sa Somalia at mariing kinukundena ang pagpaslang sa mga inosenteng sibilyan.
Sa datos ng DFA, mayroong 20 Filipinos sa Somalia, na karamiha’y nagtatrabaho sa United Nations and construction companies.
Facebook Comments