DFA, tiniyak na walang Pilipinong nasawi sa malaking sunog sa London

Manila, Philippines – Tiniyak ng Dept. of Foreign Affairs na walang Pilipinong nasawi sa malaking sunog sa apartment building sa London.

Ayon sa DFA, nananatili namang naka-confine sa pagamutan ang mga nasugatang Pinoy.

Ang mga Filipino at Filipino-British naman anilang nawalan ng tahanan ay nasa evacuation centers.


Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan sa British authorities ng Philippine Embassy sa London para sa updates.

Hindi pa tukoy ang tunay na sanhi ng sunog.

Facebook Comments