
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy na nadamay sa kaguluhan ngayon sa Iran.
Tiniyak naman ng DFA na naka-monitor ang Philippine Embassy sa Tehran, sa kalagayan ng 800 Filipinos sa Iran.
Pinapayuhan din ang Filipino community sa Iran na iwasan munang lumabas kung hindi kinakailangan at iwasan ang mga mataong lugar.
Nagpaalala rin ang embahada sa mga bibiyahe ng Iran na maging maingat.
Hinihimok din ng Philippine Embassy ang mga Pinoy na mangangailangan ng tulong na makipag-ugnayan lamang sa embahada.
Facebook Comments










